“Hindi hadlang ang kawalan upang lahat ng pamilya sa Tanauan ay makapagpatapos ng anak sa Kolehiyo”, ito ang binigyang diin ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong hapon sa harap ng mga Guro at mga magulang matapos ipamahagi ngayong araw sa Paaralang Sentral ng Talaga ang mga Libreng School Bag and Supplies (from Kinder to Grade Six) at Flexible Uniform (from Kinder to Grade 10) para sa pagbabalik-eskuwela ng ating mga mag-aaral.
Sa ilalim ng 7Rays Priority Project ang Karunungan at Edukasyon, sinisiguro ng ating butihing Punong Lungsod na patuloy ang maigting na suporta ng ating Lokal na Pamahalaan para sa pag-aaral ng ating mga kabataan. Kaniyang tiniyak na ang Susi para sa maunlad na Lungsod ay ang pagtitiwala na maibigay ang nararapat na suporta at gabay para sa pagtupad sa pangarap ng bawat Kabataang Tanaueรฑo.
Bahagi ng matagumpay na programang ito sina Kon. Czylene T. Marqueses ang ating DepEd Tanauan City sa pamumuno ni Schools Division Superintendent Dr. Lourdes Bermudez CESO VI, ASDS John Carlo Paita kasama sina Mr. Marco Amurao, Dating Kapitan ng Barangay Ulango Tirso Oruga, Mr. Eboy Alcantara, Mr. Macky Gonzales at Ms. Lilybeth Arcega.