A Day of Prayer bilang pag-alaala sa mga biktima at nasawi noong ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginunita ng Pamahalaang Lungsod ngayong araw!
Isang makasaysayang tagpo ang ginanap ngayong araw bilang pag-alaala sa mga kababayan nating nasawi at nagbuwis ng buhay noong ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pinangunahan ito ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang Community Affairs Office kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Dito, hinikayat ni Mayor Sonny Perez Collantes ang bawat isa na patuloy na alalahanin ng ating henerasyon ang mga ipinakitang katapangan at sakripisyo ng mga kababayan noong panahon ng giyera.
Ito ay taunang ginaganap tuwing ika-10 ng Pebrero 2024 sa Mabini Plaza sa pamamagitan ng ‘A Day of Prayer’ kung saan nagkakaroon ng mataimtim na pagdarasal at pag-aalay ng bulaklak para sa mga Tanaueñong namatay noong World War II.