Panibagong mga Tanaueño ang kasalukuyang nabigyan ng tulong pinansyal ni Mayor Sonny Perez Collantes sa ilalim ng Local AICS ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamamagitan ng Tanauan CSWD sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier at City Treasury Office sa pamumuno ni Mr. Fernan Manzanero.
Kabilang din sa ipinaabot ng Lokal na pamahalaan ay ang mortuary assistance para sa pamilyang Tanaueño at incentives para sa senior citizens edad 85-99.
Katuwang sa paghahatid ng programang ito sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, kaniyang Chief of Staff Atty. King Collantes, Kon. Czylene Marqueses, mga Kapitan ng Barangay at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor, sa pangunguna nina SK Federation Vice President Clarence Micosa, FPIP PRO Mr. Marco Amurao, Luyos BWCC President Ms. Lilibeth Arcega, ERPAT President at Ulango Kon. Tirso Uruga, former Brgy. Mabini Kap. Eboy Alcantara, former Banjo East Kap. Macky Gonzales at Engr. Sonny Natanauan.
Samantala, sa mga nais mag-apply ng Medical, Hospitalization at Mortuary assistance, maaaring magtungo sa Tanggapan ng Tanauan CSWD tuwing Huwebes, 8:00 am hanggang 5:00 pm.