Tanauan Institute Centennial Anniversary Opening Ceremony

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng Tanauan Institute, pormal na pinasinayaan ni Mayor Sonny Perez Collantes ang pagbubukas ng Centennial Ceremony ng paaralan kung saan libu-libong mag-aaral mula sa Lungsod ng Tanauan ang nakibahagi.

Kaisa rin sa naturang aktibidad sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Tanauan Institute President Atty. King Collantes, Tanauan Institute Vice President Atty. Cristine Collantes at pamilya Collantes.

Kabilang din sa pormal na binuksan ay ang iba’t ibang booths kung saan tampok ang husay at talento ng mga mag-aaral na Tanaueño.

Ang Tanauan Institute ay isang pribadong paaralan sa Lungsod ng Tanauan kung saan naghahatid ito ng dekalidad na edukasyon para sa bawat pamilyang Tanaueño sa pamamagitan ng scholarship.

Previous TAN-A-WE Festival, masayang Pinagdiwang sa 23rd Tanauan Cityhood Anniversary!

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved