TAN-A-WE, Tanauan City

TAN-A-WE Festival, masayang Pinagdiwang sa 23rd Tanauan Cityhood Anniversary!

Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes at ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, isang araw na puno ng talento ang nasaksihan ng mga Tanaueño sa pagdiriwang ng 23rd Cityhood Anniversary matapos tagumpay na isagawa ang Tan-A-We Street Dance Parade & Competition.

Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng iba’t-ibang barangay at institusyon upang ipamalas ang mayamang kultura at tradisyon ng Lungsod gamit ang kanilang mga nagagandahang kasuotan at husay sa pagsasayaw.

Bukod Narito ang mga kalahok na nakasungit ng mga parangal sa isinagawang Street Dance at Court Dance Competition: patimpalak ngayong gabi.

𝐒𝐓𝐑𝐄𝐄𝐓 𝐃𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐃𝐄
Champion: Tribu Tubuhan (Barangay Cale)
2nd Place: Tribu Yagyag (Barangay Ulango)

3rd Place: Tribu Papagayo (Barangay Poblacion 2)

𝐂𝐎𝐔𝐑𝐓 𝐃𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐄𝐓𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍
Champion: Tribu Marubdob (Barangay Natatas)
2nd Place: Tribu Tubuhan (Barangay Cale)

3rd Place: Tribu Yagyag (Barangay Ulango)

𝐁𝐄𝐒𝐓 𝐈𝐍 𝐂𝐎𝐒𝐓𝐔𝐌𝐄: Tribu Yagyag
(Barangay Ulango)
Naging matagumpay rin ang Car, Motor and Trike Show kung saan tampok ang iba’t ibang customized na sa sasakyan.

Habang nagkaroon rin ng fireworks display na regalo ni Mayor Sonny sa bawat Tanaueño. Bukod rito, isang gabing puno ng kantahan naman ang inihatid ng Infinite Soul Band sa Thanksgiving Concert handog ng FPIP.

Previous Mga kababaihan sa Barangay Darasa, nagpasiklaban sa Lutong nanay, Lutong Daraseña: Cook off!

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved