Tanauan City Labuyo Team Kampyeon sa ginanap na Lipa Football League Mens!

Tanauan City Labuyo Team, tinanghal na kampyeon sa katatapos lamang na Lipa Football League Mens!
Sa tuloy-tuloy na pagpapakilala ng husay ng ating mga atleta, pinatunayan ng ating koponan sa Football ang galing ng ating koponan matapos masungkit ang kampyeonato sa katatapos lamang Football League Mens Open na ginanap sa Lipa City, Batangas.
Sa iskor na 3-1 tinanghal na kampyeon ang naturang koponan laban sa katunggaling ACF Real Molinillo. Habang, hinirang bilang Most Valuable Player si Krysler Bon Opeña dahil sa ipinakitang gilas at husay sa kompetisyon.
Sa ngalan ng buong pamunuan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan sa pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes, kami ay taos pusong bumabati sa inyong iniuwing karangalan sa Lungsod. Mabuhay ang atletang Tanaueño, mabuhay ang Lungsod ng Tanauan!
Photo | Roderick Lanting
Previous Barangay General Assembly ng Barangay Ulango

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved