Tanauan

Barangay General Assembly ng Barangay Ulango

Pamahalaang Lungsod at Sangguniang Barangay ng Ulango, magtutulungan para sa pagsulong ng dekalidad na serbisyo sa ating mga kababayan!
Sa isinagawang Barangay General Assembly ngayong araw sa Ulango sa pangunguna ni Kapitan Tirso Oruga, nakiisa at naghayag ng suporta ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para sa pagsulong ng mga programang magpapabuti sa antas ng pamumuhay ng mga Tanaueño.
Kasabay nito, ang pasasalamat sa bawat opisyal ng naturang Barangay, gayundin ang iba’t ibang organisasyon at mga mamamayan ng Ulango, para sa kanilang dedikasyon na magtulong-tulong at magkaisa upang mapaunlad ang minamahal nilang barangay.
Tiniyak naman ni Mayor Sonny na patuloy na susuporta ang Pamahalaang Lungsod sa kanilang Barangay, sa pamamagitan ng pagbababa ng mga proyekto at programa sa mga Tanaueño partikular na sa sektor ng edukasyon, kalusugan at ekonomiya.
Present din si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes para naman sa pagsulong ng mga panukalang batas na magbibigay ng karagdagang pondo para sa kanilang mga proyekto sa ating mga kabarangay sa Ulango.
Mabuhay ang Barangay Ulango!
Previous General Assembly Day ng Barangay Darasa

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved