Tagumpay ang isinagawang Exit Conference ng COA sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

IN PHOTOS | COA Exit Conference sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan
Para sa pagpapaigting ng dekalidad na serbisyong publiko ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, naging matagumpay ang isinagawang Exit Conference ng Regional Commission On Audit (COA) sa pangunguna ni Supervising Audit Team Regional Auditor Ms. Elena Luarca kasama sina Mayor Sonny Perez Collantes, City Administrator Mr. Wilfredo Ablao at ang mga department managers ng lokal na pamahalaan.
Tinalakay sa pagpupulong na ito ang ibaโ€™t ibang ‘findings’ sa 13 tanggapan alinsunod sa auditing scope na naitakda ng ahensya at sa resulta ng isinagawang Audit Observations and Recommendations nitong taong 2022.
Pamamaraan ito ng nasabing ahensya at ng lokal na pamahalaan upang makabuo ng isang epektibong Annual Action Plan tungo sa pagpapabuti ng bawat serbisyong inihahatid para sa mga Tanaueรฑo.
Samantala, nakatakda naman sa ganapin sa mga susunod na buwan ang kauna-unahang Annual Audit Report ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa ilalim ng liderato ni Mayor Sonny.
Previous Mga Programa ng C/MSWD sa Lalawigan ng Batangas, tinalakay sa 1st Quarterly Cluster Social Case Conference.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved