Audit Exit Conference ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Audit Exit Conference ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, pinasinayahan ng Regional Commission on Audit (COA)
Alinsunod sa pagahahatid ng dekalidad na serbisyong-publiko ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, isinagawa kahapon, ika-27 ng Pebrero ang Audit Exit Conference katuwang si Mayor Sonny Perez Collantes, City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, mga department managers at mga kawani mula Regional Commission on Audit (COA).
Tinalakay sa pagpupulong na ito ang mga Observations and Recommendations ng COA upang mas mapaghusayan pa ng ating lokal na pamahalaan ang programa’t proyektong inihahatid nito na naaayon sa auditing scopes at regulasyon ng COA.
Kabilang din sa pinag-usapan ng komite ay ang Annual Action Plan and Status of Implementation ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna nina Supervising Audit Team Regional Auditor Ms. Elena Luarca, Audit Team Leader OIC Ms. Almira May Rivera at PSAO Atty. Mia Margaritha Cabello.
Previous Mayor Sonny, personal na ipinaabot ang Educational Assistance para sa mga Kabataang Tanaueño!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved