Suporta para sa Kababaihan, patuloy na isusulong sa Lungsod ng Tanauan!
Bilang pagpapakita ng suporta sa sektor ng mga kababaihan, nakiisa ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama ang ating Ina ng Ikatlong Distrito, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa ginanap na Christmas Party ng Tanauan Ladies Club na pinamumunuan ni Gng. Christine Aban-Nones.
Bukod sa pagpapaabot ng mga Pamaskong Handog, ibinahagi rin ni Mayor Sonny ang iba’t ibang programang kasalukuyang inihahatid ng Pamahalaang Lungsod para sa bawat Tanaueña tulad ng livelihood seminars and trainings katuwang ang City Cooperatives and Livelihood Development Office (CCLDO) at pangangalaga sa kalusugan katuwang naman ang City Health Office (CHO).
Habang sinigurado rin ng ating Alkalde na patuloy na tutukan ng lokal na pamahalaan ang sektor ng kababaihan, partikular na sa pagbibigay-oportunidad sa iba’t ibang larangan katuwang si Congw. Maitet at si Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes.
Samantala, nakiisa rin sa naturang aktibidad sina 3rd District Board Member Fred Corona, City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, Brgy. Natatas Chairman Jojo Nones at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, pagbati ng isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!