Masayang Christmas Party ng City Senior Citizens Federation, pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan!

Masayang Christmas Party ng City Senior Citizens Federation, pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan!
Masayang nakiisa ang ating Mayor Sonny Perez Collantes sa kasalukuyang Christmas Party ng mga miyembro ng City Senior Citizens Federation sa Lungsod upang magpaabot ng mga regalo para sa ating mga minamahal na Senior Citizens.
Ayon kay Mayor Sonny, bukod sa mga Pamaskong Handog na ito, patuloy ang kaniyang Tanggapan at ang buong Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa paghahatid ng agaran at dekalidad na serbisyong mangangalaga sa kapakanan ng ating mga Lolo’t Lola, kabilang na ang sitematikong pamamahagi ng kanilang benepisyo mula sa pamahalaan.
Nagpaabot naman ng pasasalamat sina Office of the Senior Citizens (OSCA) head Ms. Gloria Abrenica at Senior Citizens Federation head Mr. Leonardo Mercado sa walang humpay na suporta ng ating butihing Alkalde at ng lokal na pamahalaan para sa kanilang sektor.
Habang nakibahagi rin si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, 3rd District Board Member Fred Corona, City Administrator Mr. Wilfredo Ablao at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa nasabing pagtitipon.
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, pagbati ng isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!
Previous Ms Tanauan 2023 Karen Joyce Olfato, itinanghal bilang Ms Batangas Universe 2023!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved