Noong nabalitaan natin na may nangyaring sunog sa isang compound sa Brgy. Ambulong, agad nating tinungo ang naturang lugar upang personal na makapaghatid ng tulong.
Nakausap natin si Ginoong Eustaquio Rimas at ang kanyang mga tatlong anak, alas 12:00 daw ng tanghali nag-umpisa ang apoy sa 2nd Floor ng bahay. Agad itong kumalat sa taas at nagtulong-tulong ang mga magkakapit-bahay sa pag-apula nito habang hinihintay ang pagdating ng mga responders.
Sa awa ng Diyos, walang naitalang nasugatan sa insidente at ligtas ang buong pamilya. Nadeklarang Under-control ang sitwasyon bandang alas 3:00 ng hapon. Mabuti ay hindi umabot sa unang palapag ang paggapang ng apoy. Tuloy-tuloy rin ang isinasagawang imbestigasyon sa naging sanhi ng sunog.
Kanina ay nagpaabot tayo ng tulong sa mga biktima tulad ng mga damit, tsinelas, kulambo, kumot, banig at mga groceries. Isa po ito sa ating simpleng paraan upang iparamdam sa ating mga kababayan na mayroong Pamahalaang Lungsod na laging handang umagapay at tumulong sa anumang panahon.
Nawa po’y doblehin natin ang pag-iingat sa ating mga tahanan upang maiwasan ang mga ganitong uri ng insidente. Sa mga ganitong pagkakataon, agad din po tayong tumawag sa mga numero ng Tanauan City Fire Station— 09223448887 / 043 7029 678 .
Hinding-hindi ko po kayo pababayaan!