Ekonomiya sa Lungsod, palalakasin; FPIP II Extension Project

Ekonomiya sa Lungsod, palalakasin; FPIP II Extension Project, tinalakay ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at FPIP
Sa ginanap na Education, Information, and Education (IEC) Meeting na pinangunahan ng mga kawani ng First Philippine Industrial Park, kanilang ibinahagi ang planong FPIP II Extension Project sa Lungsod ng Tanauan na layuning makapaghatid ng karagdagang investors, kabuhayan at kita sa ating Lungsod.
Kabilang din sa kanilang ibinahagi ay ang kanilang mga hakbangin patungkol sa mga compliance na kanilang kasalukuyang isinasagawa tulad ng aplikasyon para sa Philippine EIS System at Environmental Impact Assessment alinsunod sa environmental baseline study na itinakda ng ating batas.
Samantala, nagpaabot naman ng suporta si Mayor Sonny Perez Collantes sa nasabing proyekto at nangakong makikiisa sa kanilang legal na proseso, katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Jun-Jun Trinidad.
Previous Civil Wedding pinasinayaan ni Tanauan City Mayor Sonny Perez Collantes

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved