Soroptimist International of Tanauan

Soroptimist International of Tanauan handang makipagtulungan kay Mayor Sonny Perez Collantes para sa pagpapakilala sa husay ng Atletang Tanaueno!

Soroptimist International of Tanauan handang makipagtulungan kay Mayor Sonny Perez Collantes para sa pagpapakilala sa husay ng Atletang Tanaueno!
Sa patuloy na pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa Soroptimist International of Tanauan sa paglaban sa karahasan at pagprotekta sa seguridad at karapatan ng ating mga kababaihan, muling nagkaroon sila ng makahulugang pagpupulong para talakayin ang pagbuo ng mga programa na lilinang at kikilala sa husay ng ating mga Atletang Tanaueño.
Nabanggit din nila ang kasalukuyang isinasagawang Par-For-A-Cause ngayong araw na layong kumalap ng pondo mula sa iba’t ibang sektor para sa karagdagang suporta sa kanilang mga tinutulungang Paaralan sa Lungsod.
Pinuri naman ni Mayor Sonny ang kanilang dedikasyon na makapaghatid ng serbisyo para sa ating mga kababayan. Kaniya ring pinasalamatan ang kanilang samahan sa patuloy na pakikiisa sa mga programa ng Pamahalaang Lungsod.
Previous Wagi ang Lungsod ng Tanauan bilang Most Outstanding City Women’s Coordinating Council sa buong Lalawigan ng Batangas

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved