Women's Coordinating Council

Wagi ang Lungsod ng Tanauan bilang Most Outstanding City Women’s Coordinating Council sa buong Lalawigan ng Batangas

CONGRATULATIONS, Tanauan City Women’s Coordinating Council!
Sa kauna-unahang pagkakataon, wagi ang Lungsod ng Tanauan bilang Most Outstanding City Women’s Coordinating Council sa buong Lalawigan ng Batangas. Ito ay isang patunay na pinangangalagaan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes at ni TWCC President Atty. Cristine Collantes ang kahalagahan ng bawat kababaihan sa ating lipunan at sa Lungsod ng Tanauan.
Sa ngalan ng buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, aming taas noong ipinagmamalaki ang inyong dedikasyon at integridad para sa pangangalaga, proteksyon at pagpapakilala sa husay, kakayanan at kontribusyon ng bawat Tanaueña sa ating Lungsod.
Mabuhay ang bawat kababaihan, mabuhay ang Lungsod ng Tanauan, mabuhay ang ating inang bayang Pilipinas!
Previous DOLE TUPAD Payout para sa mahigit 100 na mga Tanaueño

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved