Water Service Cooperative

Solar Water Pumps para sa Talaga Barangay Water Service Cooperative

Solar Water Pumps para sa Talaga Barangay Water Service Cooperative, ihahatid ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Maisasakatuparan ang Solar Water Pumps ng Talaga Barangay Water Service Cooperative matapos mapirmahan ni Mayor Sonny Perez Collantes ang budget allocation para dito.
Sa pagbisita ng mga miyembro ng naturang samahan sa tanggapan ng mga mamamayan, kanilang ipinaabot ang taos pusong pasasalamat sa ating Alkalde at sa pamahalaang lungsod para sa patuloy na pagsuporta sa kanilang mga proyekto.
Ayon kay Mayor Sonny, sa pamamagitan ng paglalagay ng solar water pumps ay inaasahang mababawasan ang konsumo ng kuryente ng kanilang kooperatiba na makatutulong upang mailaan ang pondo sa iba pa nilang mga proyekto.
Previous Graduation Ceremony of 1st Batch Katatagan, Kalusugan at Damayan sa Komunidad (KKDK).

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved