Graduation Ceremony, Tanuan City

Graduation Ceremony of 1st Batch Katatagan, Kalusugan at Damayan sa Komunidad (KKDK).

IN PHOTOS | Graduation Ceremony of 1st Batch Katatagan, Kalusugan at Damayan sa Komunidad (KKDK).
Masayang Graduation Ceremony ang handog ng Pamahalaang Lungsod sa ating mga Persons Deprived of Liberty sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Bureau of Jail Management and Penology sa pamumuno Jail Ins. Mr. Marlon Barrun.
Tinatayang nasa 16 na mga PDL ang nakapagtapos sa nasabing programa. Ang “KKDK” ay bahagi ng adbokasiya ng BJMP bilang isang mahalagang papel na magpapakilala para sa kabuuang pagbabago sa mga dating buhay ng ating mga PDL at bilang paghahanda na rin para sa kanilang muling pagbangon at pakikiisa sa mas maayos at ligtas na lipunan.
Kasabay nito ang pasasalamat ni Mayor Sonny kina Jail Ins. Barrun at BJMP FD Warden Michelle Olave Manay na magtatapos ng kanilang termino sa ating Lungsod. Dito, kaniyang pinuri ang kanilang pakikiisa at pakikibahagi sa layunin ng Pamahalaang Lungsod na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa Loob ng ating Tanauan City Jail.
Previous 48th Flag Raising Ceremony

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved