Social Pension para sa mga Senior Citizens, sinimulan nang ipamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ngayong araw!

Social Pension para sa mga Senior Citizens, sinimulan nang ipamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ngayong araw!
Sinimulan na ngayong araw ang pamamahagi ng Social Pension para sa higit 5,000 nating mga Senior Citizen sa Lungsod na naging posible sa patuloy na pakikipagtulungan ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Tanauan Local Social Welfare and Development.
Bahagi ang nasabing programa ng lokal na pamahalaan sa pagpapalawig ng Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 na nangangalaga sa mga Indigent Senior Citizens sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal para sa kanilang pangangailangan.
Habang bukas, ika-21 ng Disyembre ay nakatakda ang ikalawang araw ng pamamahagi ng social pension para naman sa natitirang mga barangay alinsunod sa itinakdang iskedyul.
Naging bahagi rin ng nasabing pamamahagi si Batangas 3rd District Representative Chief of Staff Atty. King Collantes upang patuloy na suporta sa ating lokal na pamahalaan na mga mangangalaga para sa ating mga Senior Citizen.
Ang nasabing pensyon ay mula Okrubre hanggang ngayon buwan na agarang ipinapamahagi ng lokal na pamahalaan.
Previous Atty. Cristine Collantes, kaisa ng Pamahalaang Lungsod sa pagbuo ng mga programa para sa Barangay Nutrition Scholars

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved