Atty. Cristine Collantes, kaisa ng Pamahalaang Lungsod sa pagbuo ng mga programa para sa Barangay Nutrition Scholars

Atty. Cristine Collantes, kaisa ng Pamahalaang Lungsod sa pagbuo ng mga programa para sa Barangay Nutrition Scholars
Dumalo at nakiisa si Tanauan City Women’s Coordinating Council Atty. Cristine Collantes sa isinagawang Christmas Party ng mga Barangay Nutrition Scholars kahapon, ika-19 ng Disyembre.
Ito ay bahagi ng patuloy na pagsuporta at pakikiisa ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes at pamilya Collantes sa mga ganitong uri ng aktibidad na mangangalaga sa BNS, sa pamamagitan nito mas mapapalawak ang pagsulong ng mga programang tutugon at mangangalaga para sa mga scholars.
Binigyan diin naman ni Atty. Cristine na patuloy na aagapay ang kanilang samahan sa Pamahalaang Lungsod para sa pagpapalawak ng mga benepisyong natatanggap ng BNS sa ating Lokal na Pamahalaan.
Previous Mrs. Grand International 2022 Imperial Winner Patrizha Meer-Banzuela, binigyang-pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved