Sitwasyon ng ating mga Madrasa Teachers sa Lungsod, idinulog kay Mayor Sonny!

Sitwasyon ng ating mga Madrasa Teachers sa Lungsod, idinulog kay Mayor Sonny!
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama si DepEd Tanauan City Schools Division Superintendent Dr. Lourdes Bermudez, dumulog ngayong araw sa Tanggapan ng mga Mamamayan ang ating mga Madrasa Teachers patungkol sa kanilang kasalukuyang sitwasyon bilang mga guro sa mga paaralan sa Lungsod.
Kabilang sa pinag-usapan sa pagpupulong na ito ay ang compensation at benepisyo ng ating mga nasabing guro nitong taong panuruan 2022-2023.
Samantala, ayon kay Mayor Sonny kaniyang bibigyang-pansin ang nasabing suliranin at patuloy na makikipagtulungan sa iba’t ibang tanggapan tulad ng tanggapan Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes upang tugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Previous Road Expansion ng Tanauan City Trading Post, kasado na!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved