Road Expansion ng Tanauan City Trading Post, kasado na!

Road Expansion ng Tanauan City Trading Post, kasado na!
Mula sa pakikipagtulungan nina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Mayor Sonny Perez Collantes sa Department of Public Works and Highways, mas magandang daloy ng trapiko ang maaari nang asahan ng ating mga kababayan matapos talakayin ang planong Road Expansion ng Tanauan City Trading Post.
Kabilang din sa nakibahagi upang patuloy na maisakatuparan ang proyekto ay sina 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes at mga kawani mula City Planning and Development Office.
Bukod dito, tinalakay rin ang pagsasaayos ng mga pasilidad nito upang mas maraming kababayan natin ang mabigyang –pagkakataon na makapagbagsak at makapagtinda ng kanilang mga produkto.
Previous Tulong Pinansyal, ipinaabot para sa mga Tanaueñong namatayan ng Livestocks!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved