Simula ng Pag-asa (SIPAG) Program Graduation Ceremony

Simula ng Pag-asa (SIPAG) Program Graduation Ceremony, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang PNP Tanauan City
Tagumpay na idinaos ngayong umaga ang Simula ng Pag-asa (SIPAG) Program Graduation Ceremony ng ating 147 drug surrenderers katuwang si Mayor Sonny Perez Collantes at mula sa inisyatibong programa ng Tanauan PS Pulis sa pangunguna ni PLTCOL JOHN RELLIAN at Tanauan Evangelical Alliance Ministry (TEAM) sa pangunguna ni Pastor Wendelino Dalosa Jr.
Ang nasabing programa ay binubuo ng ilang sessions na nakasentro sa moral recovery at spiritual renewal ng ating mga drug victims mula 24 na mga Barangay sa Lungsod.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, ginarantiya nito ang pagsuporta ng Tanggapan ng mga mamamayan at Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa kanilang pagbabagong-buhay sa pamamagitan pagbibigay ng skills training at livelihood programs. Habang kaniyang ipinaalala ang kahalagahan ng pagdarasal at pagpapasalamat sa ating Poong MayKapal sa bawat pagkakataon na ibinibigay nito para sa ating buhay.
Samantala, kabilang din sa nakibahagi sa aktibidad na ito sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, ABC President Mr. Rannie Fruelda, Cale Brgy. Capt. Precious Agojo at mga volunteers na kabahagi sa pagsasakatuparan ng SIPAG Program.
Previous Philippine Air Force 76th Founding Anniversary

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved