Philippine Air Force

Philippine Air Force 76th Founding Anniversary

Philippine Air Force 76th Founding Anniversary 🇵🇭
Nakiisa ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa selebrasyon ng ika-76 na Anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF) na isinagawa sa Clark Air Base, Mabalacat City, Pampanga na may temang “PAF 76: Accelerating with Excellence towards a more Capable, Credible and Sustainable Force”.
Bilang isang Brigadier General at Wing Commander ng 3rd Air Force Wing Reserve, kaniyang tinanggap ang pagkilala sa 3rd Air Force Wing Reserve bilang “PAF Ready Reserve Wing of the Year for AY-2023” kung saan taos puso niyang binati at pinasalamatan ang mga kasamahan na nagpakita ng dedikasyon at pagmamahal sa ating Inang Bayan.
Habang, dinaluhan din ito ni Commander in Chief at ating minamahal na Pangulong Bongbong Marcos kung saan siya’y nagsilbing panauhing pandangal at tagapagsalita sa naturang programa. Naging bahagi rin si National Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr, House Speaker Martin Romualdez, the Chief of Staff (AFP) General Andres C. Centino at iba pang opisyales ng Philippine Air Force.
Sa Facebook post, kaniyang binigyang diin na Makakaasa ang ating mga kababayan na patuloy na kaisa ang Pamahalaang Lungsod sa modernisasyon at pagpapalalakas ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas, ito ay upang masigurado ang kahandaan at kaligtasan ng ating mga kapwa Pilipino.
“Happy 76th Founding Anniversary!
Mabuhay ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas!
Mabuhay ang Philippine Air Force!
At Mabuhay ang Inang Bayang Pilipinas! 🇵🇭“, Aniya.
Previous Youth As One Forum 2023

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved