Signing of Usufruct for Mount View Water Service Cooperative

Hiling na pangangailangan ng mga kooperatiba sa Lungsod, patuloy na tinutugunan ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang masipag na City Cooperative and Livehood Development Office Department Manager Ms. May Teresita Fidelino, pormal nang nilagdaan ng ating Punong Lungsod ang Signing of Usufruct upang pahintulutan ang Mount View Water Service Cooperative na magamit ang Lupang pagmamay-ari ng Pamahalaang Lungsod para sa pagpapaunlad ng kanilang kooperatiba.
Kasabay rin nito, ang hiling na tulong pinansyal ng Samahan ng mga Maggagatas ng Batangas Cooperative (SAMABACO), upang kanilang mapabuti at mapahusay ang pagproseso at packaging ng kanilang mga dairy products na makakatulong sa pagpapakilala ng mga Lokal na Produkto ng ating Lungsod mula sa kanilang mga alagang baka.
Samantala, bahagi lamang ito ng patuloy na pagsuporta ni Mayor Sonny para sa mga kooperatiba sa Lungsod na layong palakasin, kilalanin at mapaunlad ang kabuhayan ng ating mga kababayan.
Previous TESDA NC II for Public Senior High Schools

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved