Serbisyong Collantes para sa MSMEs, umarangkada sa Brgy. Wawa ngayong araw!
Kaugnay pa rin sa selebrasyon ng MSME Week sa Lungsod ng Tanauan, patuloy ang pag-arangkada ng Information Education Campaign (IEC) on Enterpreneurship ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan para sa ating mga Tanaueñong mayroon o nais magtayo ng kanilang sariling negosyo sa Brgy. Wawa.
Alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang mga kawani ng Tanauan CCLDO, ibinahagi rito ang ilan sa mga serbisyong inihahatid ng CCLDO tulad ng mga sumusunod:
• Teaching Learning Services
• MSME Development Services (Marketing Services)
• Tanauan Packaging and Service Center (Product Development and Enhancement Services)
• Special Projects Center (Cooperative Development, Cooperative Operation Sustainability, Cooperative Promotion, Tanauan City Cooperative Development Council Mobilization, etc.)
Ito ay inisyatibo at pamamaraan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang ating City Cooperatives Livehood and Development Office na matulungan ang ating mga MSME na mapalago ang kanilang mga kita at makatulong na ipakilala ang maipagmamalaki nating mga Lokal na Produkto.