Palarong Pambansa 2023, Tanaueño

Mga Kabataang Tanaueño nag-uwi ng karangalan sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2023

Mga Kabataang Tanaueño nag-uwi ng karangalan sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2023, binigyang papuri ni Mayor Sonny Perez Collantes!
“Kayo ang bukas ng Tanauan” – ‘yan ang iniwang mensahe ni Mayor Sonny Perez Collantes kasabay ng papuri sa ating mga Kabataang Tanaueñong lumahok at nakapag-uwi ng karangalan sa ating Lungsod upang irepresenta ang buong CALABARZON Region sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2023 na ginanap sa Marikina City.
Layunin din ng nasabing pagbisita ang taos pusong pasasalamat ng mga manlalaro at DepEd Tanauan City sa ating Punong Lungsod dahil sa ibinigay nitong pabaon at suporta sa ating mga kalahok dahilan para makuha nila ang iba’t ibang parangal katulad ng pagsungkit sa Gold Medal at Bronze Medal sa nasabing kompetisyon.
Samantala, patuloy ang pagbibigay pagkilala at papuri ni Mayor Sonny sa kanilang mga nakamit na tagumpay, tuloy-tuloy rin ang pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod upang pagyabungin ang natatanging husay ng ating mga kabataan sa iba’t ibang larangan ng Sports.
Previous Educational Assistance, Bgry Trapiche.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved