Sangguniang Barangay ng Janopol Occidental, handang umagapay sa mga programa ng ating Punong Lungsod!

Sangguniang Barangay ng Janopol Occidental, handang umagapay sa mga programa ng ating Punong Lungsod!
Sa tuloy-tuloy na pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa bawat Barangay, nagtungo kahapon si Barangay Janopol Occidental Captain Alberto Dalisay kasama ang kaniyang mga kagawad para talakayin ang pakikibahagi ng kanilang barangay sa mga adhikain ng ating butihing Mayor na mapaunlad ang mahal nating Lungsod.
Bukod pa rito, patuloy ang konsultasyon ng ating Punong Lungsod para sa kanilang kahilingan at mga pangangailangan upang madaling mahahandugan ng tulong ang ating mga kababayan sa bawat komunidad. Ibinahagi niya rin ang kaniyang programa sa edukasyon kung saan higit 200 claasroom ang kasalukuyang inaayos at pinagaganda.
Samantala, sa pagsulong ng isang serbisyong subok at maaasahan, prayoridad ni Mayor Sonny na pakinggan ang hinaing ng bawat barangay upang maging daan sa mas mabilis na serbisyo para sa ating mga kababayan.
Previous Mas pinaganda at matibay na Senior Citizens ID, naipamahagi sa 317 na Senior Citizens ng Brgy. Poblacion 3!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved