Samahang Maggagatas ng Batangas Cooperative (SAMABACO) sa Brgy. Tinurik

Kasalukuyang sitwasyon ng SAMABACO Farm Dairy Products, personal na binisita ni Atty. Cristine Collantes!
Kasama si City Cooperatives and Livehood Development Office Department Manager Ms. May Teresita Fidelino, personal na binisita ni Tanauan City Women’s Coordinating President Atty. Cristine Collantes ang Dairy Products Farm ng Samahang Maggagatas ng Batangas Cooperative (SAMABACO) sa Brgy. Tinurik upang tingnan ang proseso at sitwasyon ng kanilang pasilidad at mga alagang baka.
Inalam din ni Atty. Cristine ang maaaring maitulong ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes upang mas mapaunlad pa ang kanilang Kooperatiba na layong masuportahan ang mga Lokal na Produkto ng ating Lungsod at maipakilala ito hindi lamang sa Pilipinas pati na rin sa ibang mga bansa.
Previous Mga Atletang Tanaueñong nakapag-uwi ng karangalan sa Lungsod

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved