Mga Atletang Tanaueñong nakapag-uwi ng karangalan sa Lungsod, binigyang pagkilala ni Mayor Sonny Perez Collantes.
Bilang bahagi ng pagbibigay ng suporta sa mga Atletang Tanaueño, binigyang pagkilala ni Mayor Sonny Perez Collantes ang mga nagpamalas ng angking galing sa iba’t ibang patimpalak kabilang na ang 2023 PCKDF Paddles Up, Crew Challenge, 2023 Smart MVPSF National POOMSAE Taekwondo Championship 2023 at New Face National Taekwondo Championship.
Kaniya ring ibinahagi ang mga karagdagang programang magpapayaman sa talento ng mga atleta sa Lungsod ng Tanauan. Tulad na pagtatayo ng proyektong Tanauan City Sports Complex na alinsunod sa kaniyang adhikaing na mabigyan ng malawak na pasilidad na magagamit ng ating mga manlalaro.
Samantala, kabilang sa mga nakatanggap ng parangal ay ang Sagwan Tanauan Dragon Boat Team na itinanghal na kampyeon katatapos lamang na 2023 PCKDF Paddles Up, Crew Challenge (10 Seaters for Men’s Category).
Para naman sa 2023 New Face National Taekwondo Championship (Kyorugi) na naganap sa Ninoy Aquino Stadium, natanggap nina Daniel Carlos M. Cruz, Yael Yzikiel D. Yson, Joseph Matthew Roxas, Sofia Ysabell G. Belen at Froilan R. Buenvenida ang Gold Medal. Habang, Silver medalist naman si Van Andrei Nuestro at Bronze Medalist naman sina Jamir Michael Eser, Lhobbhyh Jhayrah P. Fajardo at Ethan Gabriel Lomibao.
Bukod dito, nakamit nina Allyna S. Magnaye at Raleign Michael S. Alcantara ang Gold Medal sa 2023 Smart MVPSF National POOMSAE Taekwondo Championship. Habang, Silver Medalist naman sina Jhon Lester P. Andaya, Guian Matthew C. De Ocampo, Ethan Gabriel Lomibao at Sofia Ysabell G. Belen at Bronze Medalist naman sina Dawn Kirsten I. Avelino at Airun A. Marca.