Karagdagang suporta at oportunidad sa sektor ng magsasaka, binigyang katuparan ni Mayor Sonny Perez Collantes !
Masayang ibinalita ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na 284 na mga kapwa natin Tanaueño ang matagumpay na sumailalim sa interview at orientation para sa Risk Resiliency Program – Climate Change Adaptation and Mitigation (RRP-CCAM).
Ang nasabing programa ay kabilang sa mga hakbang ng Pamahalaang Lungsod upang maibaba ang Cash-For-Work Programs at matulungan ang ating mga kababayan partikular na ang sektor ng ating mga magsasaka. Sa pamamagitan nito sila ay magiging katuwang ng ating Lokal na Pamahalaan para sa pangangalaga ng ating kalikasan at kapaligiran upang ma-minimize ang epekto ng Climate Change sa ating Lungsod.
Habang naging katuwang din sa matagumpay na programa si Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes kasama ang City Social Welfare and Development Office at City Agriculture Office.