Epektibong E-Learning para sa sektor ng edukasyon ng Lungsod ng Tanauan

Epektibong E-Learning para sa sektor ng edukasyon, isa sa pagtutuunan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan
Bunsod ng pag-usbong ng iba’t ibang “learning styles and medium”, nakipagpulong sina Mayor Sonny Perez Collantes, TWCC President Atty. Cristine Collantes, Chair Committee on Education Kon. Czylene Marqueses at SDS Superintendent Ms. Lourdes Bermudez sa kinatawan ng Quipper upang pag-usapan ang e-learning technology.
Kabilang sa tinalakay rito ay ang advance technology pagdating sa Online Learning Management System para sa mga guro at mag-aaral upang mas maging episyente ang pagtuturo ng iba’t ibang asignatura sa bawat grade level.
Bukod sa system, kabilang din sa features nito ay ang pagkakaroon ng malawak na online resource platform na magagamit ng ating mga mag-aaral.
Samantala, ayon kay Mayor Sonny, ang mga inobasyon na ito ay inaasahang makatutulong sa sektor ng edukasyon dito sa Lungsod ng Tanauan lalo’t kasalukuyang ipinatutupad sa Lungsod ang hybrid learning sa bawat pampublikong paaralan.
Previous Patuloy na pamamahagi ng tulong sa bawat mamamayan ng Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved