Nakamit na parangal ng ating mga pambato sa Mr and Ms Batangas 2023, binigyang pagkilala ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong araw!
Tagumpay na naisagawa ngayong araw ang regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas na pinangunahan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama si Vice Mayor Atty JunJun Trinidad, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga Kapitan, Department Managers at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod.
Kasabay nito ang lingguhang ulat bayan kung saan inanunsiyo ng ating Punong Lungsod ang huling araw para sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women. Kaugnay nito, wagi ang City Information Office (CIO), Management Information System (MIS) at Sports Development Office (SDO) para sa Office Decorations contest para sa nasabing tema. Sa Interpretative Dance Contest naman ng pagsasayaw, itinanghal na kampeon ang mga mag-aaral mula sa St. John Academy habang 1st Place naman ang La Consolacion College-Tanauan at nasa 2nd Place ang DMMC Institute of Health Sciences.
Nabanggit din ng ating Punong Lungsod na natanggap na ng Pamahalaang Lungsod ang Plaque para sa nakamit na GAWAD KALASAG mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa mabilis at epektibong pagtugon ng ating City Disaster Risk Reduction and Management Office sa panahon ng mga sakuna at kalamidad.
Habang, pinuri naman ng ating butihing Mayor ang karangalang iniuwi ng ating mga pambato sa katatapos lamang na Mr and Ms Batangas 2023 nitong Sabado, kung saan itinanghal na Ms Batangas Universe 2023 si Ms. Karen Joyce Olfato at nasa 1st Runner Up for Mr Batangas 2023 si Mr. Jobert Macayanan. Dito, pinuri ng ating Punong Lungsod na simbolo ng ganda at talino ang mga kababaihan sa Lungsod ng Tanauan.