Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes bilang Honorary Chairperson, tagumpay na pinasinayaan kahapon, ika-12 ng Disyembre ang panunumpa sa katungkulan ng mga miyembro ng bagong tagtag na Tanauan Micro, Small and Medium Enterprise Development Council (TASMEDC).
Layon nitong bigyang-prayoridad ang paghahatid ng iba’t ibang programa para sa ating mga maliliit na Tanaueñong negosyante. Bahagi rin ito ng inisyatibo ng ating Alkalde upang palakasin ang sektor ng ekonomiya sa Lungsod sa pamamagitan ng pagpapakilala ng dekalidad na mga produktong Tanauan at paghahatid ng trabaho at kabuhayan para sa ating mga kababayan.
Ang nasabing council ay binubo ng mga miyembro mula sa iba’t ibang Tanggapan, sa pangunguna ni MSME Development Council Chairperson City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, City Cooperatives and Livelihood Development Office (Ccldo Tanauan) head Ms. May Teresita Fidelino bilang 1st Vice-Chairperson na kinatawan ng lokal na pamahalaan, Atty. Anne Marie Querer bilang 2nd Vice-Chairperson na kinatawan ng Accredited Business Association.
Habang ang mga miyembro nito ay sina Chair Committee on Cooperative at Chair Committee on Labor and Employment Kon. Eugene Yson, City Treasury Office (CTO) head Mr. Fernan Manzanero, Community Affairs Office (Cao Tanauan) head Mr. Edison Jallores, City Planning & Development Office (CPDO) head Ms. Aissa Leyesa, Office of the City Agriculturist – FITS Tanauan head Mr. Sherwin Rimas, kinatawan ng pampribadong sektor na si Mr. Marco Antonio Amurao, kinatwan ng Waltermart Community Mall na si Mr. Neil Raymond Epan at Ms. Lovely Pelaez ng Victory Mall & Market – Tanauan.