Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika!
Kasabay ng regular na pagtataas ng Watawat ng Pilipinas, nakiisa ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023 na may temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”. Ito ay sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga Barong Tagalog at Filipiñana na nagpapakita ng suporta at pagsulong para sa pagmamahal sa ating Wikang Pambansa.
Mabuhay ang Wikang Pambansa!
Mabuhay ang Lungsod ng Tanauan!
Mabuhay ang ating Inang Bayang Pilipinas!