Mayor Sonny Perez Collantes, Salaam Police Multiplier

Salaam Police Multiplier, patuloy na magtutulungan para sa mas maayos at payapang Lungsod ng Tanauan!

Mayor Sonny Perez Collantes at Salaam Police Multiplier, patuloy na magtutulungan para sa mas maayos at payapang Lungsod ng Tanauan!
Nagtungo ngayong araw sa Tanggapan ng mga Mamamayan ang ating magigiting na mga Salaam Police Multiplier upang ipaalam ating Punong Lungsod na patuloy na nakahanda ang kanilang samahan para makipagtulungan na mapaigting ang pagpapanatili ng kaayusan sa Lungsod.
Kasabay nito ang pagpapaabot ni Mayor Sonny ng pasasalamat at papuri sa kanilang pakikibahagi upang mabigyan ng seguridad ang ating mga kababayan. Nabanggit niya rin na nakahanda ang ating Lokal na Pamahalaan upang bigyang suporta ang pangangailangan ng kanilang Organisasyon.
Previous Kababayan natin mula sa Barangay Banjo West, lalahok sa Misters of Filipinas 2023!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved