Red Link at Red Pass Flagship Program

IN PHOTOS | Red Link at Red Pass Flagship Program, binuksan na ngayong araw!
Bilang pakikiisa sa paghahatid ng sustainable transportation sa LIMA Industrial Park, nakibahagi si Mayor Sonny Perez Collantes sa ginanap na opening ceremony ng Red Link at Red Pass Flagship Program ng AboitizPower Enerzone Group at Global Electric Transport.
Ayon kay AboitizPower Enerzone Group Chairman Jokin Aboitiz, ang naturang flagship program ay pamamaraan ng kanilang kompanya upang makapaghatid ng eco-friendly na tranportasyon sa paligid ng LIMA Industrial Park para sa mga empleyado at customers nito sa pamamagitan ng Red Link e-bus. Habang ang Red Pass naman ay magsisilbing access e-wallet card na maaaring magamit sa e-bus at mga lifestyle center matatagpuan sa paligid nito.
Habang nagpasalamat naman si Mayor Sonny sa inobasyong ito na makatutulong para sa ating mga kababayang nagtatrabaho sa mga kompanyang matatagpuan sa LIMA Park. Aniya, Magandang oportunidad din ito upang masuportahan ang umuusbong na economic opportunities para sa Lalawigan ng Batangas.
Kabilang din sa nakiisa sa naturang programa sina LIMA Land President Rafael Fernandez De Mesa, PEZA Zone Manager Mr. Jose Ma. Geremi Manas, Atty Aris Liwag na kinatawan ni CongSen. Ralph Recto, GET Philippines Managing Director Freddie Tinga, Malvar Mayor Cristeta Reyes, Malvar Vice Mayor Roberto Lat, Board Member Fred Corona, Board Member Rudy Balba at mga kinatawan mula LTO Tanauan City at LTFRB-Batangas.
Sa ngayon, ang Red Link E-Bus ay mayroong 7 Loops at 5 Routes at maaaring mag-avail ng Unlimited Pass na may halagang P20 pesos (1 Day Validity) na base sa kanilang EV Shuttle Fare Collection.
Previous Libreng Flu Vaccine para sa mga Senior Citizens.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved