Libreng Flu Vaccine para sa mga Senior Citizens.

Libreng Flu Vaccine para sa mga Senior Citizens, inihatid ni Mayor Sonny at Congw. Maitet Collantes!
Sa pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes at Tanauan City Health Office sa Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes at Department of Health, higit 1000 mga Senior Citizens sa 48 na Barangay ng Lungsod ng Tanauan ang naturukan ng libreng Flu Vaccine ngayong araw.
Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ni Mayor Sonny upang mapangalagaan ang kalusugan at maprotektahan sa mga sakit tulad ng pneumonia ang ating mga senior citizens.
Samantala, nakiisa rin sa naturang aktibidad si TWCC President Atty Cristine Collantes bilang kinatawan ng ating Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes upang magpa-abot ng suporta sa ating mga kababayan.
Sa kasalukuyan, tuluy-tuloy pa rin ang bakunahan hanggang 3:00 PM ngayong araw sa Mega Health Center, Tanauan City.
Previous Tulong Pinansyal, ipinaabot para sa mga Tanaueñong namatayan ng Livestocks!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved