Rapidé Tanauan, bukas na sa publiko!

Rapidé Tanauan, bukas na sa publiko!
Matagumpay na pinasinayaan ngayong araw sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at mga kinatawan ng Rapidé Tanauan ang pagbubukas ng bagong branch nito sa Brgy. Santor.
Mula sa mga bagong negosyong itinatag dito sa Lungsod tulad ng Rapide Tanauan Branch, mas dumarami rin ang pag-usbong ng mga oportunidad at serbisyo para sa ating mga kababayan. Dagdag pa rito, ang pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod sa mga mamumuhunan sa ating bayan ay indikasyon upang mas pasiglahin pa ang ekonomiya nito.
Sa katunayan, ang Rapidé Tanauan ay naghahatid ng affordable CASA-quality services tulad ng Maintenance, Oil Change at Brake para sa mga sasakyan. Kung kaya, bilang regalo sa kanilang pagbubukas, magkakaroon ito ng “Free Full Safety Inspection” para sa mga kababayan nating nais mag-avail ng mga nasabing services.

.

Previous Dagdag na Bagong Guro sa mga Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved