Dagdag na Bagong Guro sa mga Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng Tanauan

Mga Dagdag na Bagong Guro sa mga Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng Tanauan, Pormal nang nanumpa kay Mayor Sonny Perez Collantes!
Pormal nang nanumpa kahapon, ika-05 ng Hunyo ang 36 mga bago at promoted na mga guro sa Lungsod ng Tanauan kung saan pinasinayaan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes bilang kanilang administering officer.
Kasabay nito, nagpasalamat din ang ating Punong Lungsod sa kanilang pakikipagtulungan upang maghatid ng mahusay at dekalidad na edukasyon para sa ating mga kabataang Tanaueño.
Sa kasalukuyan, naka-deploy na sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Lungsod ang mga nasabing guro at katuwang na ng lokal na pamahalaan sa implementasyon ng face-to-face classes.
Previous Tanaueñang si Jezza Mae Quiogue, wagi sa Tawag ng Tanghalan Season 6!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved