Sa kauna-unahang pagkakataon, malugod na ibinalita ng mga kawani ng DepEd Tanauan City sa ating Mayor Sonny Perez Collantes na kabilang ang Lungsod ng Tanauan, partikular na ang Talaga Central School at Tanauan North Central School sa mga napiling lumahok sa itatayong Prototype Future Learning Spaces ng DepEd at USAID Philippines sa bansa.
Mula sa mantra na “Learning Anytime and Anywhere”, layunin ng programang ito na tugunan ang suliranin ng sektor ng edukasyon pagdating sa Reading Comprehension at Numeracy sa pamamagitan ng mga paglalaan ng mga pasilidad na maghahatid ng interaktibong aktibidad para sa lahat ng Tanaueño.
Bilang suporta naman ng Pamahalaang Lungsod, masayang ibinahagi ni Mayor Sonny na kasado na ang pagsasaayos ng ating City Library na target na paglagyan ng “Intellect Connect” o ang proposed project ng DepEd Tayo Tanauan North CS – Calabarzon sa pangunguna ni TNCS Principal Ms. Maricel Malabanan.
Habang tutulungan naman ng ating Punong Lungsod at Office of the City Agriculturist – FITS Tanauan ang DepEd Tayo Paaralang Sentral ng Talaga – Tanauan City sa pakikipag-ugnayan sa iba pang propesyunal upang mapahusay pa ang “Green Fusion Pod” o interactive gazebo na proposed project ni TCS Principal Anita Divina at ng DepEd Tanauan para sa mga mag-aaaral ng Lungsod.
Ayon kay Project Coordinator at Education Program Specialist Mr. Edgar Briñas, ito ay pambihirang oportunidad para sa ating Lungsod upang palawigin pa ang mga interbasyon at makabagong paraan ng pag-aaral na huhubog sa kakayahan at kasanayan ng ating mga mamamayan.