Patuloy ang paglapit ng ating mga kababayan sa Tanggapan ng mga Mamamayan upang idulog sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang kanilang mga pangangailangang pinansyal para sa pagpapagamot at pagpapa-ospital.
Kaya naman sa tulong ng ating butihing Mayor katuwang si Atty. Cristine Collantes ay maghahandog ang Pamahalaang Lungsod ng munting tulong para tugunan ang kanilang mga inilapit sa Tanggapan.
Kabilang lamang ito sa mga programang pangkalusugan ng ating Punong Lungsod upang maipadama sa ating mga kababayan na palaging bukas ang lokal na pamahalaan upang kanilang malalapitan sa oras ng pangangailangan.