Mayor Sonny, Nation's Youth

Protect Our Nation’s Youth (PONY)

Protect Our Nation’s Youth (PONY), magiging kaagapay ni Mayor Sonny sa paglikha ng mga programa para sa ating mga atleta!
Bumisita ngayong araw ang presidente ng Protect Our Nation’s Youth (PONY) na si Mr. Rodolfo Tingson Jr. upang talakayin ang pakikiisa ng kanilang organisasyon upang pagyabungin ang Baseball/ Soft Ball sports sa Tanauan.
Habang, ibinida naman ni Mayor Sonny Perez Collantes ang makasaysayang pagkapanalo ng Tanauan Baseball Team sa katatapos lamang na Little League Philippines at hinikayat ang nasabing organisasyon na makibahagi sa pagbuo ng marami pang programa para kilalanin ang husay ng ating mga atleta.
Samantala, sa darating na ika 22-23 ng Abril magsasagawa sila ng Pony Asia Pacific 2023 Baseball Tournament na gaganapin sa Tanauan Sports Academy at lalahukan ng mga koponan mula sa iba’t ibang Lalawigan sa Pilipinas.
Previous 2023 Women’s Month Kick-Off Ceremony at Women’s Mini Olympics

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved