2023 Women's Month Kick-Off Ceremony

2023 Women’s Month Kick-Off Ceremony at Women’s Mini Olympics

2023 Women’s Month Kick-Off Ceremony at Women’s Mini Olympics, pinasinayaan sa Lungsod ng Tanauan; Mga programa para sa mga Tanaueña, nakahanda na!
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagtipon-tipon ang lahat ng mga organisasyong pangkababaihan sa pangunguna ni Tanauan City Women’s Coordinating Council (TWCC) President Atty. Cristine Collantes upang pasinayaan ang Women’s Month Kick-Off Ceremony at Women’s Mini Olympics na bahagi ng selebrasyon ng Women’s Month sa Lungsod ng Tanauan.
Sinimulan ang nasabing programa kasabay ng Flag Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan na dinaluhan nina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Mayor Sonny Perez Collantes, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga kawani ng lokal na pamahalaan at ng mga lider-kababaihan ng 48 Barangay sa Lungsod.
Habang sinundan ito ng Motorcade mula New Tanauan City Hall hanggang Gymnasium 2 kung saan idinaos ang Lighting of Torch Ceremony at Oath of Sportsmanship para sa 4-Day Women’s Mini Olympics na gaganapin sa ika-11 hanggang 12 ng Marso at ika-18 hanggang ika-19 ng Marso.
Sa mensahe ni TWCC President Atty. Cristine Collantes, kaniyang ibinahagi ang malaking papel ng mga kababaihan sa ating lipunan at nagpasalamat sa walang sawang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes upang mapagbuklod ang mga kababaihan tungo sa mas maunlad na Tanauan.
Samantala bukas, ika-07 ng Marso ay isasagawa naman ang Women’s Forum na layuning alamin ang suhestiyon at mga suliraning kinahaharap ng ating mga kababaihan sa Lungsod at makapaghatid ang lokal na pamahalaan ng mga epektibong interbasyon at programa.
Sa kabilang banda, narito naman ang iba pang detalye sa mga aktibidad na inihanda ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa
Previous Bonsai Exhibit para sa mga Tanaueño

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved