“I will bless you, and you will be a blessing to others”
Bilang bahagi ng programang “Project Kaagapay” ng Tanauan City Advisory Council for PNP, nag-umpisa nang bumaba ngayong araw ika-20 ng Enero ang mga miyembro nito sa mga eskwelahan sa Tanauan partikular na DepEd Tayo Tinurik NHS – Tanauan City, DepEd Tayo Balele IHS – Tanauan City , DepEd Tayo – Bernardo Lirio NHS – Tanauan City upang personal na iaabot sa mga estudyante kasama ang kanilang pamilya, ang Scholarship Grant na buwan-buwan nilang matatanggap.
“Pangarap ko po maging isang Civil Engineer” aniya ng Grade 8 student na si Kim Charie Vico Reaño mula sa Bernardo Lirio National High School, samantalang pagiging isang Engineer din ang pangarap ni Jordan Adorna Andes na estudyante ng Tinurik National High School. Pagiging Doktor naman ang propesyon na gustong marating ni Arded, Zeth Xander Guevarra na nag-aaral sa Balele Integrated High School.
Binigyang diin naman ni Atty. Anna Marie T. Querer (Chairperson of Tanauan City Advisory Group) at Mr. Edgar Perez (Co-Chairperson) na patuloy ang pagsisikap ng grupo na makahanap ng mas maraming makatutuwang sa naturang programa upang mas mapalawig pa ang matulungan ng proyekto.
Kaugnay nito, tuloy-tuloy naman ang suporta ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa mga programang pang-edukasyon na ibinababa ng iba’t ibang sektor at grupo sa mga komunidad para sa magandang kinabukasan ng kabataan. “Dapat ang kawalan ay hindi maging hadlang upang ang bata ay makatapos ng kolehiyo” aniya Mayor Sonny.
Taos puso namang nagpaabot ng pasasalamat ang mga School Heads ng mga naturang paaralan na sina Gng. Lilibeth Cabrera—BLNHS, Gng. Marites Miranda—Tinurik NHS at Ginoong Danilo Mutia—Balele IHS para sa programang ibinaba ng Advisory Council upang suportahan ang edukasyon ng mga batang higit na nangangailangan.
Dinaluhan din ang naturang aktibidad nila CIO Officer In Charge—Mr. Daniel Paul Dela Piedra, Pastor Danilo Velasco—Religious section, Mr. Rommel Villanueva—Senior Education Program Specialist at kinatawan ng PNP- Tanauan— PCPL Ivan Kenneth R. De Ocampo.