Mga Organisasyon sa Lungsod ng Tanauan, magiging kabahagi ni Mayor Sonny sa isasagawang Medical Mission para sa ating mga kababayan!
Sa pangunguna ni Mr. Luis Gonzales nagtungo sa Tanggapan ng mga Mamamayan ngayong araw ang Batch 74 ng Tanauan Institute Alumni para sa kanilang isasagawang Medical Mission sa ating Lungsod kung saan kabilang sa mga Doctor na makikiisa ay mula pa sa ibang bansa.
Sa pagsasakatuparan, agad na tumugon ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama si Atty. Cristine Collantes para sa kanilang isasagawang aktibidad. Nangako rin ang ating butihing Mayor na siya ay magpapadala ng Assistance mula sa tanggapan ng City Health Office at Civil Security upang kanilang magiging katuwang sa nasabing programa.
Samantala, ito ay bunga ng patuloy na pakikipag-ugnayan ni Mayor Sonny sa mga pribadong sektor sa Tanauaun upang makibahagi sa kaniyang mga hakbangin na tutugon at makatutulong sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
Pinuri at pinasalamatan naman ng Batch 74 Alumni ang patuloy na ibinigay na suporta at tulong ng pamilya Collantes sa ating mga kababayan hindi lamang sa Tanauan pati na rin sa buong ikatlong Distrito ng Batangas.