Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at Daiichi Properties, ipinakilala na ang MIRA CITY para sa mga Tanaueño!
Moving Tanauan into a new Future – ganito inilalarawan ng bagong proyekto ng Daiichi Properties ang kanilang kasalukuyang development sa Lungsod ng Tanauan matapos pasinayaan kaninang umaga ang Groundbreaking ng Main Arterial Road nito kasama ang pamunuan ng Daiichi sa pangunguna ni Chairman Mr. Salvador Uy at President and COO Ms. Charmaine Uy, katuwang ang ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes.
Ayon kay Daiichi President and COO Ms. Charmaine Uy, ang Mira City ay mula sa salitang español na ang ibig sabihin ay “look” o pagtanaw sa magandang bukas para sa Lungsod. Aniya, sa pagpapasinaya ng kalsadang ito ay magsisimula na ang paghahatid ng “sustainable and green development” para sa Lungsod na ang prayoridad ay progreso para sa mga mamamayang Tanaueño.
Habang nagpasalamat si Mayor Sonny Perez Collantes sa patuloy na pakikipagtulungan at pakiisa ng Daiichi Properties sa Pamahalaang Lungsod sa hangarin nitong mabigyan ng kargdagang kabuhayan, trabaho at pabahay ang ating mga kababayan.
Bukod dito, inihayag ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ang buong pusong pagsuporta sa Daiichi at Tanauan City LGU at inilarawan na “Promising” ang proyektong ito dahil simbolo ito ng pag-usbong ng makabagong oportunidad sa larangan ng ekonomiya ng Ikatlong Distrito ng Batangas.
Kabilang din sa mga nakatakdang itayo ng kumpanya ay ang pagbuo ng isang industrial parks, business and residential establishments, pagsasaayos ng drainage system ng mga karatig barangay nito at pagpapasimula ng isang smart traffic management system para sa komunidad.