Programang pangkaayusan, paiigtingin ni Mayor Sonny katuwang ang Batangas Provincial Internal Affairs Service (PIAS)!

Programang pangkaayusan, paiigtingin ni Mayor Sonny katuwang ang Batangas Provincial Internal Affairs Service (PIAS)!
Binigyang pansin ngayong araw nina Mayor Sonny Perez Collantes at Batangas Provincial Director, Internal Affairs Service (PIAS) PLT Elueterio Logronio ang pakikipagtulungan at pakikiisa ng ahensya sa Pamahalaang Lungsod upang palawigin ang kaayusan at kapayapaan sa Lungsod ng Tanauan.
Layon din ng pagpupulong na mapalawak ang ugnayan ng ating Lokal na Pamahalaan sa iba’t ibang ahensya ng ating Lalawigan maging sa ating Pamahalaang Nasyunal. Pagtitibayin din dito ang agarang suporta ng PIAS upang paigtingin ang seguridad ng ating mga kababayan.
Nakibahagi at nakiisa rin si Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes para ihayag ang kaniyang layunin na mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan sa Lungsod laban sa karahasan at mga pang-aabuso.
Previous 26th Flag Raising Ceremony.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved