National Police Clearance maaari nang makuha sa Tanauan City Police Station! ; Karagdagang PhilHealth Benefits para sa mga Job Order Employees, isusulong!
Kasabay ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong araw, ipinabatid ni Tanauan City PNP Chief John Rellian na maaari nang kumuha ang ating mga kababayan ng National Police Clearance sa Tanauan City Police Station sa Barangay Poblacion 3. Ipinagpasalamat naman ni Ginoong Rellian ang patuloy na ibinibigay na suporta ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa kanilang ahensya dahilan upang mapagtagumpayan ang naturang proyekto.
Kaugnay nito ang ilang anunsyo mula sa Community Affairs Office para sa mga isasagawang aktibidad ng Pamahalaang Lungsod sa nalalapit na 22nd Anniversary ng Tanauan Cityhood.
Bilang suporta naman sa mga nag-kampyeon sa katatapos lamang na Little League Philippines-Luzon Leg inimbitahan ni Mayor Sonny ang bawat manlalaro para sa insentibong kanilang matatanggap mula sa Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan.
Isa namang magandang balita ang natanggap ng mga Job Order Employees mula sa ulat ni Mayor Sonny dahil sa kanilang isinusulong na magkaroon ng PhilHealth Benefits ang mga kawani na sasagutin ng ating Pamahalaang Lungsod.
Happy Monday, Tanaueรฑos!!