Pagsulong ng mga programang pang-eduskasyon; karagdagang silya at bagong glass Board, bahagi ng Local Stakeholders’ Convergence for Parent -Teacher Association!
Sa patuloy na pagbababa ng mga programa para sa Sektor ng edukasyon, inihayag ni Mayor Sonny Perez Collantes ang mga napagtagumpayan at isinusulong na mga proyekto ng ating Pamahalaang Lokal para sa pagpapabuti at pangangalaga ng ating mga guro at mag-aaral. Kasabay nito ang nakatakdang pamamahagi ng School Supplies sa susunod na pagbubukas ng klase.
Bahagi rin nito si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes para bigyang diin ang pakikiisa ng Kongreso para sa Sektor ng Edukasyon sa pamamagitan ng pagsulong ng mga panukalang batas. Gayundin ang pakikiisa ng ating City Administrator Wilfredo Ablao upang bigyang pagpupugay at pagkikilala ang bawat magulang at guro sa ating Lungsod.
Kasabay nito ang Turnover Ceremony para sa karagdagang mga bagong Arm Chairs at Glass Board na magagamit na ngayon ng mga Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng Tanauan.