Patuloy na pagpapalakas sa sektor ng Edukasyon!

Upang patuloy na palakasin ang sektor ng edukasyon sa Lungsod, pormal na pinulong ngayong araw ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ni DepEd Tayo – DepEd Tanauan City SDS Dr. Lourdes Bermudez ang bagong talagang Assistant Schools Division Superintendent ng dibisyon na si Dr. John Carlo Paita.

Kabilang sa tinalakay rito ang iba’t ibang programa na kasalukuyang ipinapatupad ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan katuwang ang DepEd Tanauan City upang masigurong dekalidad ang edukasyon para sa bawat kabataang Tanauaeño.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Dr. Paita ang kaniyang bukas na pakikipagtulungan sa pamamagitan ng pagsusulong ng Tibay Tanaw Program ng DepEd Tanauan City alinsunod sa MATATAG Agenda ng DepEd Philippines.

Previous IN PHOTOS | Tanauan City Women’s Coordinating Council’s Gender Responsive Strategic Planning

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved